Martes, Agosto 12, 2014


INTERAKSYON NG TAO SA KALIKASAN

"KALIKASAN:IKA'Y TUNAY NA KAYAMAN"



Kung pag-uusapan natin ang interaksyon ng tao sa kapaligiran o sa ating kalikasan ang magiging sagot ko diyan ay ang pag-aadopt natin sa ating heograpiya, klima, at mga resources. mga resources o ang ating mga likas na yaman. Sa kasalukuyang panahon, unti-unti nang nasisira ang ating kalikasan at ating mundo dahil na rin sa katandaan nito at sa mga pang-aabuso na gingawa nating mga tao sa ating kapaligiran. Ano nga ba ang maari nating gawin para masalba natin ito?


Sa pagsasalba ng ating mga natitirang likas na yaman, dapat tayo ay magkaisa at magtulungan kasama na ang partisipasyon at tulong ng ating pamahalaan. Ang pamahalaan ay maaring gumawa ng mga pagtitipon sa kanilang mga nasasakupan tungkol sa ating plano sa pagsalba sa kalikasan. Gaya na lamang ng pagpapatanim ng mga punong kahoy sa bawat kasapi ng pamilya sa lipunan o ang tintawag natin na "deforestation". Pagpapaalam sa mga mamamayan ang pagbawas sa paggamit ng petrolyo lalo na kung malapit lang naman ang ating patutunguhan dahil ito ay nakakasira sa ozone layer at nakakadagdag sa polusyon sa hangin na maaring makasama sa ating kalusugan at sa halip ay lakarin na lang upang maka ehersisyo na rin. Pagpapatupad ng mga batas na may mabigat na parusa sa pagbabawal sa mga illegal mining, illegal na pagtrotroso, illegal na pangingisda at illegal na pag-eexport ng ating mga natatanging hayop at halaman sa ibang bansa.

Sa pamamagitan ng pagsasagawa na mga nasabi sa itaas, maari nating masalba nang tuluyan ang ating kalikasan na nangangailangan ng partipasyon sa lahat ng mga tao sa bansa o mundo. Maunawaan sana ng lahat ang maaring mangyari kapag nagpatuloy pa ang pang-aabuso ng mga tao sa kalikasan para na rin sa ating mga sarili at sa mga susunod pang mga henerasyon.